Hiniling ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa Department of Health (DOH) na maglabas ito ng malinaw na guideline kaugnay sa paggamit ng COVID-19 vaccine, sa partikular, sa pagtukoy kung sinu-sino ang dapat at maaaring turukan ng isang vaccine brand.

Naniniwala si Co , na kailangan may malinaw na guidance kung anong bakuna ang tugma o angkop sa katawan ng bawat isa.

Bukod dito, kailangan umanong may malinaw at spesipikong screening criteria at screening tests na nakalaan upang hindi maisama ang mga may ‘severe o life-threatening reactions’ sa bakuna.

“Alam nating marami pa rin tayong mga kababayan na nagdadalawang-isip magpabakuna. Kaya naman kailangang maging klaro sa isip ng publiko kung ano ang benepisyo ng pagpapabakuna at kung anong brand ng bakuna ang nararapat sa kanila batay sa kakayahan ng kanilang katawan,” ayon kay Co.

Walang umanong higit na nakakaalam sa medical state ng pasyente kundi ang pasyente mismo, ang kanyang doktor, at ang doktor na mag-iscreen sa kanya.

Sinabi pa ng Solon, Kailangang malinaw at madaling maintindihan ang enumeration na ilalabas ng DOH kung sinu-sino lang ang mga maaaring tumanggap ng isang uri ng bakun tulad na AstraZeneca o Sinovac.

“Bottomline, kailangang maglabas ng malinaw na guidelines with matching infographics in Filipino, English, and major regional languages ang DOH, kung para kanino ba ang AstraZeneca, para kanino ang Sinovac, sino ang maaaring turukan ng Gamaleya, and so on.Kapag klaro ang explanation, makakatulong ito upang mapawi ang pangamba ng publiko,” dagdag ng kongresista.

The post Malinaw na guideline sa COVID bakuna iginiit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malinaw-na-guideline-sa-covid-bakuna-iginiit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=malinaw-na-guideline-sa-covid-bakuna-iginiit)