Magsasagawa rin ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa malalaking mall sa Taguig City.

Sabi ni Mayor Lino Cayetano, ito’y matapos magkaroon ng kasunduan ang lokal na gobyerno at ang Vista Mall, Megaworld, SM, at Ayala hinggil sa nasabing hakbang.

Sa kasunduan, nakasaad na magtatalaga ng vaccination centers sa mall premises.

Kasalukuyang merong 7 vaccination site, mobile vaccination bus, at 34 massive COVID-19 testing center sa Taguig.

Ang binibigyan pa lang ngayon ng bakuna ay mga medical worker, senior citizen, at person with comorbidity.

The post Mall sa Taguig gagawing COVID vaccination site first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mall-sa-taguig-gagawing-covid-vaccination-site/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mall-sa-taguig-gagawing-covid-vaccination-site)