Nadagdagan ang bilang ng mga kongresista na pabor sa resolusyon na nananawagan na bawiin o ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 128 na nagtataas sa minimum access volume (MAV) at nagbababa sa taripa ng imported na karneng baboy.

Ngayong Lunes ay umakyat na sa 39 kongresista ang sumuporta sa House Joint Resolution 37, tumaas mula sa 17 solon na pumirma rito nang isumite noong Abril 14.

Ayon sa resolusyon na inihain sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate makasisira lamang ang pagpapapasok ng labis-labis na dami ng karne ng baboy hindi lamang sa industriya ng pagbababoy kundi sa kabuuan ng sektor ng agrikultura.

“EO 128 runs contrary to the promotion of the general welfare of the people which is a fundamental principle in our Constitution. By this reason alone, EO 128 must be withdrawn and terminated immediately,” saad ng resolusyon.

Ang dapat umanong gawin ng gobyerno ay suportahan ang mga magbababoy na maparami ang kanilang mga alaga.

The post Mambabatas na tutol sa EO 128 dumarami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mambabatas-na-tutol-sa-eo-128-dumarami/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mambabatas-na-tutol-sa-eo-128-dumarami)