Inihain sa Kamara de Representantes ang panukala upang maging required sa bansa ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., tanggap ng karamihan ang kahalagahan ng bakuna upang magbalik sa normal ang buhay dahil napapababa nito ang kaso ng hawahan at pagkamatay.

Sa isang pag-aaral sa United Kingdom, lumalabas na nababawasan ng 74% ang impeksyon ng mga taong may sintomas at 54% sa mga walang sintomas matapos makatanggap ng isang dose ng Pfizer o AstraZeneca.

Nang bigyan ng ikalawang dose, nabawasan ng 90% ang impeksyon ng mga may sintomas at 70% sa mga walang sintomas.

Umabot sa 373,402 indibidwal ang kasali sa pag-aaral.

Nagpapatuloy din umano ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa UK sa kabila ng pagbubukas ng mga eskuwelahan at pamilihan.

Sa Pilipinas ay nananatili umanong marami ang tutol na mabakunahan kaya kailangan na magpasa ng batas upang maging mandatory ito.

“It will be tragic if we have safe and effective vaccines available but people who are eligible to get the vaccination as determined by the DOH (Department of Health),” sabi ni Barzaga, pangulo ng National Unity Party (NUP).

Sa ilalim ng panukala ang mga hindi magpapabakuna ay hindi maaaring pumunta sa mga pampublikong lugar.

Exempted naman sa batas ang mga tao na hindi maaaring bakunahan dahil sa kanilang kalagayang medikal.

The post Mandatory pagpapabakuna vs. COVID tinutulak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mandatory-pagpapabakuna-vs-covid-tinutulak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mandatory-pagpapabakuna-vs-covid-tinutulak)