Muling nagtambak ang gobyerno ng dolomite sand sa Manila Bay, bilang parte ng P389-milyong rehabilitation project sa nasabing lugar.

Napaulat na may ilang backhoe operator na nagpatong at nagpapantay ng artificial white sand sa coastline, Abril 13.

Wala pang binibigay na detalye ang Department of Environment and Natural Resources ukol sa update sa kanilang proyekto, na todong binatikos ng madla noong nakaraang taon.

Depensa ng DENR, dahil sa white sand ay mapipigilan ang pagtapon ng basura sa Manila Bay, habang giniit naman ng Palasyo na itong proyekto ay makabubuti umano sa mental health ng mga Pinoy habang may pandemyang COVID-19.

The post Manila Bay may bagong tambak na dolomite first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manila-bay-may-bagong-tambak-na-dolomite/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manila-bay-may-bagong-tambak-na-dolomite)