Sanib-puwersa ang Manila local government unit (LGU) at Department of Environment and Natural Resources para imbestigahan ang posibilidad ng pagtagas ng langis sa Manila Bay.

Ito’y kasunod ng report mula kay Department of Public Service (DPS) officer-in-charge Kenneth Amurao kung saan pinabatid nito ang posibleng oil spill na nakita habang nagsasagawa ng cleanup sa pampang ng Manila Bay sa Roxas Blvd.

“Yellow stains can be seen in the water surrounding a yacht moored beside the sea wall of the Manila Yacht Club,” ayon sa report.

Nagsagawa na ng inspeksyon ang DENR-Manila Bay Coordinating Office, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority at Philippine Coast Guard para masuri kung ano ang nakitang lumulutang sa tubig.

Saad ng DENR, kumalat ng hanggang 500 metro ang posibleng tagas ng langis sa lugar.

Natuklasan naman ng PCG na ang langis ay nagmula sa cooling system ng M/V Sarangani, at nag-isyu ng inspection apprehension report sa may-ari ng naturang barko dahil sa paglabag sa ordinansa ukol sa marine pollution.

The post Manila Bay oil spill tinutukan ng DENR, LGU first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manila-bay-oil-spill-tinutukan-ng-denr-lgu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manila-bay-oil-spill-tinutukan-ng-denr-lgu)