Kung ang bilyonaryong si Manny V. Pangilinan ang tatanungin, panahon na para muling buksan ang ekonomiya ng bansa kasunod ng pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Sa tweet ng negosyante, sinabi nito na dapat pagkatiwalaan na ang publiko na panatilihin ang kanilang sarili na ligtas sa sakit.

“Time to reopen economy? YES! A RESOUNDING YES! We keep doing the same thing but expect a different result – Einstein had a word for that,” ayon kay MVP.

“We simply get the worst of both worlds. Let’s trust our people to keep themselves sound and healthy,” aniya pa.

Sa April 11 inaasahan na matapos ang enhanced community quarantine sa NCR Plus area, ngunit hindi pa tukoy kung mae-extend ito o mag-iiba na ang quarantine status sa rehiyon.

The post Manny Pangilinan: Ekonomiya dapat buksan na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manny-pangilinan-ekonomiya-dapat-buksan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manny-pangilinan-ekonomiya-dapat-buksan-na)