Binasbasan na ng Inter-Agency Task Force ang mga pasok sa A4 ng priority list ng gobyerno sa National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

Sa nilabas na listahan ni presidential spokesperson Harry Roque, heto ang mga kasama sa priority group A4:

  • nagtatrabaho sa public at private wet o dry market vendor
  • mga frontliner sa grocery, supermarket, delivery service
  • food retail kasama ang mga food service delivery
  • nagtatrabaho sa mga food, beverage, medical at pharmaceutical products
  • commuter transport (land, air, and sea)
  • frontline worker sa hotel at accommodation establishment
  • pari, rabbi, imam, at iba pang religious leader
  • security guard/personnel sa mga opisina, ahensya at organisasyon na kasama sa priority industry/sector
  • frontline worker sa private at government news media
  • mga personnel ng telecom, cable, internet service provider, electricity at water distribution utility na humaharap sa customer
  • frontliner sa mga basic at higher education institution
  • overseas Filipino worker, kasama ang mga nakaiskedyul na umalis ng bansa sa loob ng dalawang buwan
  • law/justice, security and social protection sector
  • frontline government worker sa mga transport system at quarantine inspection
  • frontline government worker na nakatoka sa tax collection, assessment ng mga negosyo para sa incentive, eleksyon, national ID, data collection
  • Department of Foreign Affairs personnel sa consular operation
  • Department of Public Works and Highways personnel na nagmo-monitor ng mga government infrastructure project
  • Sa ngayon ay abot na sa A3 ang mga puwedeng mabakunahan, kasama dito ang mga may comorbidity, kasabay ng mga senior citizen at health worker.

The post Market vendor, grocery staff, food delivery rider aprubado ng IATF na mauna sa bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/market-vendor-grocery-staff-food-delivery-rider-aprubado-ng-iatf-na-mauna-sa-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=market-vendor-grocery-staff-food-delivery-rider-aprubado-ng-iatf-na-mauna-sa-bakuna)