Kung ang OCTA Research ang masusunod ay nais nilang mapalawig pa ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Professor Ranjit Rye mas mainam kung ma-extend pa ang MECQ para magtuloy-tuloy ang downward trend sa kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Bumababa na aniya ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID -19 na nagsimula sa limang libo kada araw at ngayon ay nasa tatlong libo na lamang kada araw na magandang indikasyon na nakatulong ang ipinaiiral na quarantine classification.

“The longer the better kasi talagang we will stabilize yung downward thread natin.Sa aming pag-aaral, mas mainam talagang mas mahaba ang MECQ kasi napakataas ng naging base of number natin na nagsimula sa limang libong kaso news cases araw araw. Ngayon ho bumabagal na siya pero mataas pa rin at more than three thousand cases,” ani Professor Rye.

Gayonman sinabi ni Rye na naiintindihan nilang kailangang balansehin ang aspeto ng kalusugan at ekonomiya para hindi naman malugmok ang kabuhayan ng mga Pilipino pati na ang ekonomiya.

Umaasa aniya ang OCTA Research na mas gaganda pa ang mga numero sa COVID cases sa susunod na linggo dahil bumaba na ang mga numero batay sa record ng Department of Health.

“Yung balancing na yan on a weekly basis, so we expect better numbers next week, we expect na yung health care situation natin mag-ease ng konti. Pag na-sustain natin yung bilang lower than 1 at least .8 makikita natin slowly bababa yung daily cases,” dagdag ni Professor Rye.

The post Mas matagal na MECQ hirit ng OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-matagal-na-mecq-hirit-ng-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mas-matagal-na-mecq-hirit-ng-octa)