Nagdesisyon na ang tinaguriang “real-life Rapunzel” na magpaputol na ng kanyang buhok makalipas ang higit isang dekada.

Tatlong beses nagwagi si Nilanshi Patel ng Modasa, Gujarat, India sa “longest hair ever on a teenager” category ng Guinness World Records.

Pangit kasi ang karanasan ni Patel nang magpagupit siya noong edad 6, kaya hindi na siya nagpaputol ng buhok mula noon.

Umabot sa 5 feet 7 inches (170.5 sentimetro) ang buhok niya noong 2018, 6 feet 2.8 inches (190 cm) noong 2019, at 6 feet 6.7 inches (200 cm) naman nitong 2020.

Matapos ang 12 taon, nagpasya na siyang magpagupit.

“My hair gave me a lot. Because of my hair, I am known as the ‘real life Rapunzel,’ so it gave me a lot. Now, it’s time to give it something back,” ani Patel.

Nagpasaya ang dalagita, ayon na rin sa mungkahi ng kanyang nanay, na dalhin ang naputol niyang buhok sa museum.

The post Matapos ang 12 taon, ‘real-life Rapunzel’ nagpagupit na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-ang-12-taon-real-life-rapunzel-nagpagupit-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=matapos-ang-12-taon-real-life-rapunzel-nagpagupit-na)