Nag-resign na dahil sa “personal reasons” si Dr. Teodoro Herbosa bilang executive vice president ng University of the Philippines system.

Sa anunsyo ng UP, Abril 25, binanggit na tinanggap ni UP President Danilo Concepcion ang resignation ni Herbosa, na “effective immediately.”

Sa liham ni Concepcion na tinatanggap ang pagbibitiw sa tungkulin ni Herbosa, sinaad ng nauna na nanghihinayang siya dahil nagsilbi ang huli sa unibersidad nang may “great dedication,” pero pinunto rin na dapat may “consistency” at “harmony” sa kanilang mga anunsyo sa publiko gayong pareho silang kinatawan ng UP community.

Bago ito, ginisa ng netizens si Herbosa, na siya ring special adviser din ng National Task Force Against COVID-19, matapos ang tweet nito na inilalarawan ang pagkamatay ng isang senior citizen sa pila sa community pantry bilang “death by community pantry.”

“I told you so!” komento niya pa noon, bago siya mag-sorry sa kanya aniyang “ill-judged” tweet.

Nagsimulang maging UP EVP si Herbosa mula nang magsimula ang termino ni Concepcion noong 2017.

The post Matapos panggigilan ng netizens, Herbosa nagbitiw bilang UP EVP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-panggigilan-ng-netizens-herbosa-nagbitiw-bilang-up-evp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=matapos-panggigilan-ng-netizens-herbosa-nagbitiw-bilang-up-evp)