Limang volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Mayon simula Sabado ng umaga.

Sabi ng Phivolcs, kabilang dito ang tatlong “volcano-tectonic” na mga lindol at dalawang rockfall events.

Samantala, saad pa sa 8 a.m. bulletin ng ahensiya ngayong Linggo, nakapagtala rin ng mahinang pagsingaw ng usok, at patuloy na pamamaga ng Mayon.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” pa rin ito.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 6-kilometrong permanent danger zone ng Mayon, dahil maaari anilang maganap ang “rockfalls, landslides/avalanches at the middle to upper slope, sudden ash puffs and steam-driven or phreatic eruptions from the summit.”

The post Mayon Volcano, 5 beses nag-alburoto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayon-volcano-5-beses-nag-alburoto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayon-volcano-5-beses-nag-alburoto)