Sang-ayon si Health Secretary Francisco Duque III na palawigin pa ang modified lockdown sa National Capital Region Plus bubble.

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko, talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ (modified enhanced community quarantine) for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity, hindi masyadong nag-i-improve pa sa ngayon,” saad ng kalihim sa Teleradyo, Lunes.

“Ipagpatuloy muna natin ang MECQ para kitang-kita o malaki ang pagbaba ng mga bagong kaso at magkaroon ng reversal ng trend,” aniya pa.

Sa ngayon, 997,523 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kabilang ang 77,075 aktibong kaso at 8,162 bagong kaso.

The post MECQ sa NCR+ kailangan ipagpatuloy – Duque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mecq-sa-ncr-kailangan-ipagpatuloy-duque1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mecq-sa-ncr-kailangan-ipagpatuloy-duque1)