Magpapatupad ng travel ban ang Hong Kong sa mga bibiyahe mula Pilipinas sa susunod na dalawang linggo.

Ayon sa gobyerno ng Hong Kong, magsisimula ang travel ban mula April 20.

Bukod sa Pilipinas, pinagbawal din ng Hong Kong ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga magmumula sa India at Pakistan.

Ang naturang travel restriction ay dahil sa nakapasok na N501Y variant sa Hong Kong, kung saan ang mga carrier ay nanggaling sa tatlong bansa.

Dahil dito’y binansagan na ‘extremely high risk’ ang Pilipinas, Pakistan at India ng HK government.

Ayon sa datos ng John Hopkins University, nasa 11,653 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, 209 ang nasawi.

The post Mga biyahero mula ‘Pinas bawal sa Hong Kong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-biyahero-mula-pinas-bawal-sa-hong-kong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-biyahero-mula-pinas-bawal-sa-hong-kong)