Nirekomenda ng Philippine College of Physicians at Philippine Hospital Association sa gobyernong Duterte na i-extend ang modified enhanced community quarantine sa NCR Plus bubble para sa buwan ng Mayo.

Ayon kay PCP Vice President Dr. Maricar Limpin, bagaman bumaba ang arawang tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi pa nararamdaman ng mga ospital ang epekto ng tig-2-linggong lockdown at modified lockdown, kaya marapat lang na palawigin ang MECQ.

Puno pa rin aniya ang mga kama para sa coronavirus patients habang lampas pa rin sa kapasidad ng emergency rooms ang mga pasyenteng tinatanggap nila.

“We are not feeling that yet because if you notice, the number of cases everyday is still very high, around more than 8,000. This did not make a dent as far as the number of people that are being seen in the hospitals. It is still too early to lift the restrictions that we have right now,” banggit ng doktor sa CNN PH, Lunes.

Mananatili ang MECQ status sa ilang lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan, hanggang Abril 30.

The post Mga doktor pabor palawigin MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-doktor-pabor-palawigin-mecq/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-doktor-pabor-palawigin-mecq)