Fully booked na ang lahat ng hotel sa Metro Manila na kaakibat ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) at hindi na maaaring gawing isolation facility.

Sa televised briefing ngayong Sabado, sinabi ni PHOA president Arthur Lopez na ang 300 nilang hotel ay ginawa nang pansamantalang quarantine facility para sa mga umuwing OFW.

“Right now, all the hotels in the NCR are fully booked. Why do I say fully booked? Because OWWA has taken over these hotels for the OFWs that are returning back to the country. Wala na kaming maibigay na ibang hotel para gawing isolation facilities,” aniya.

Matatandaang hiniling ng Philippine College of Physicians sa gobyerno na gawing isolation unit para sa mga COVID-19 patient ang mga hotel dahil sa pagdami ng mga pasyente sa mga ospital.

The post Mga hotel sa NCR ‘di na puwedeng COVID patient quarantine facility first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-hotel-sa-ncr-di-na-puwedeng-covid-patient-quarantine-facility/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-hotel-sa-ncr-di-na-puwedeng-covid-patient-quarantine-facility)