Hinimok ni Senate President Vicente Sotto III ang mga kapwa mambabatas na tingnan ang implementasyon at tagumpay ng anti-insurgency program at hindi ang mga opisyal nito bago pagdesisyunang tanggalin ang pondo nito.

“All because we do not like certain personalities? Parlade and Badoy are not the NTF-ELCAC!” pahayag ni Sotto sa kanyang mensahe sa mga reporter noong Linggo.

Muling nanindigan si Sotto na hindi dapat tanggalin ang P19 bilyong pondo National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Now if the program is not working then we can assess that in the budget hearings. Implementation and success rate should be the gauge,” dagdag nito.

Sabi pa Sotto, malabong alisin ang pondo ng NTF-ELCAC ngayong taong ito dahil maaring nagamit na ito sa kanilang mga programa.

Nauna nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa ilalim ng General Appropriations Act, ang pangulo ay may kapangyarihan na i-realign ang pondo para mapalakas ang COVID-19 response ng gobyerno.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na may usapan na ang ilang mga senador pa hindi pondohan ang NTF-ELCAC sa susunod na taon.

Pero mungkahi ni Sotto, mas mainam na alisin na lang ang mga iresponsableng opisyal ng NTF-ELCAC sa halip na tanggalin ang pondo ng anti-surgency campaign na aniya’y isa namang napakagandang programa ng gobyerno.

Nauna nang pinagbawalan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sina Lt. General Antonio Parlade Jr., spokesperson ng NTF-ELCAC at Communications Undersecretary Lorraine Badoy na mag-isyu ng pahayag laban sa mga organizer ng mga community pantry sa bansa.

The post Mga iresponsableng opisyal ang tanggalin! Sotto kontra sa tapyas pondo ng NTF-ELCAC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-iresponsableng-opisyal-ang-tanggalin-sotto-kontra-sa-tapyas-pondo-ng-ntf-elcac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-iresponsableng-opisyal-ang-tanggalin-sotto-kontra-sa-tapyas-pondo-ng-ntf-elcac)