Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde at mga opisyal ng barangay na mahigpit na ipatupad ang health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa kanyang regular na Talk to the People, hindi naitago ng Pangulo ang pagkadismaya sa patuloy na pagkalat ng kontaminasyon dahil marami pa ring mga Pilipino ang hindi sumusunod sa tamang pag-iingat.

Inoobserbahan aniya nito ang publiko at marami ang “spreader” o nagkakalat mg sakit kayat dapat na mahigpit na ipatupad ang mga polisiya.

“Rules are there and you do not follow. Well, let me tell you, under the police power the state, ang mayor, barangay captain, they are the persons of authority,” anang Pangulo.

Aatasan aniya nito ang Department of Interior and Local Government (DiILG) para panagutin ang mga alkalde kapag mayroong mga aktibidad sa kanilang lugar na hindi nasusunod ang basic health protocols.

Kapag nagpabaya aniya ang mga mayor at kapitan ng barangay ay paparusahan ang mga ito batay sa nakasaad sa Revised Penal Code.

” Ang gagawin ko nito, I will hold responsible and I will direct the Secretary of DILG to hold the mayors responsible for this kind of events happening in their places ,” dagdag ng Pangulo.

Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng barangay na mananagot kapag nagkaroon ng malakihang pagtitipon-tipon o pagkukumpulan ng mga tao sa kanilang lugar at hindi sinunod ang mahigpit na implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa kanilang lugar.

” itong mga barangay captains ang may problema kasi maliit lang ang mga barangay. Do not give me this shit na hindi ko alam. The DILG will go after you administratively and criminally kapag may nangyari pang pistahan diyan,” wika ng Pangulo.

Nakarating sa Presidente ang fiesta celebration sa Malolos sa kabila ng umiiral na MECQ na nagkaroon umano ng maas gathering at sayawan ng mga tao.

The post Mga lokal na politiko kinalampag ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-lokal-na-politiko-kinalampag-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-lokal-na-politiko-kinalampag-ni-duterte)