Hiniling ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa National Bureau of Investigation (NBI) na palawakin ang isinasagawa nitong imbestigasyon sa mga anomalya ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at isama ang mga ospital na nag-o-overbilling.

Ayon kay Garbin nakababahala ang natuklasan sa Cebu kung saan isang ospital ang naniningil sa PhilHealth ng gastos isang ng pasyente na pinalabas na namatay sa COVID-19.

“Insiders at hospitals and their likely cohorts in PhilHealth seems to be gaming the system,” ani Garbin. “The various cases of overbilling or excessive charges must be compared and cross-referenced to detect common patterns and parallels.”

Inutusan na rin ni Garbin ang mga field offices ng Ako Bicol na ipagbigay-alam agad sa kanya kung mayroong matanggap na kahalintulad na reklamo ang mga ito.

“It seems that what the NBI in Cebu and Cebu Governor Gwen Garcia uncovered in that province may be the same modus operandi at work in Palawan and in other provinces as well,” wika pa ng solon.

Kamakailan ay nagsampa ng reklamo ang NBI laban sa mga empleyado ng ospital at pinaniniwalaang kasabwat nito matapos na magpa-reimburse sa PhilHealth ng gastos ng isang pasyente na pinalabas na namatay sa COVID-19.

“I suspect the usual policy of rotating regional and field officials of PhilHealth does not work because it may have become so easy for the corrupt among them to replicate or transplant what they were doing in their former assignments, to the new places of assignment where they can restart their corrupt operations using the same or adapted techniques,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Garbin na dapat ma-quarantine ang korupsyon para hindi na kumalat ang virus na ito.

The post Mga ospital isama sa NBI probe sa PhilHealth first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ospital-isama-sa-nbi-probe-sa-philhealth/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-ospital-isama-sa-nbi-probe-sa-philhealth)