Hinimok ng ilang senador ang PhilHealth na isama sa coverage ang mga COVID-19 patient na inilalagay sa mga hospital tent dahil napupuno na ang mga pasilidad sa loob ng ospital.

Pinunto nina Senador Nancy Binay, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Miguel Zubiri at Grace Poe ang Universal Health Care Act na naglalayong bigyan ng abot-kayang medical service ang lahat ng Pinoy.

“In a pandemic environment, PhilHealth has a social and moral obligation to serve the needs of its members. It plays a major role in implementing the UHC law and its services are crucially important,” ayon sa pahayag ng mga mambabatas.

“We urge PhilHealth President Dante Gierran to come up with a standard policy and guidelines to cover patients staying in hospital tents while waiting for admission,” lahad pa.

Matatandaan na kinumpirma ni PhilHealth acting senior vice president Neri Santiago na hindi kasama ang mga pasyenteng nasa tent dahil hindi pa ito accredited sa state insurance agency.

Ito’y matapos mapabalita na umaabot sa P1,000 kada oras ang singil ng ilang ospital na maa-admit sa mga naturang tent.

The post Mga senador sa PhilHealth: COVID tent isama sa coverage first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-senador-sa-philhealth-covid-tent-isama-sa-coverage/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-senador-sa-philhealth-covid-tent-isama-sa-coverage)