Bumalikwas si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kay Lt. Gen. Antonio Parlade matapos tawagin ng huli na ‘stupid’ ang mga mambabatas.

“If there is any consolation to the senators of this benighted land, arrogance and idiocy will never be doctrinal among the active members of the noble profession of arms,” ayon kay Lacson.


Nag-ugat ito matapos ihirit ng ilang senador na bawiin ang pondo na ibinigay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Si Parlade ay ang spokesperson ng NTF-ELCAC.

Giit ni Parlade, hindi umano ito patas lalo’t ang mga senador din ang nag-apruba sa pondong ibinigay sa kanilang ahensya.

“I’ll tell you, sila ang stupid kung ito ay binabawi nila. Pinirmahan nila ‘yung batas na ‘yan para maging serbisyo, ipagpatuloy ang programa ng gobyerno. Ngayon sasabihin nila na ide-defund nila ‘yung NTF-ELCAC?” ayon kay Parlade.

The post Mga senador ‘stupid’ daw? Lacson niresbakan si Parlade first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-senador-stupid-daw-lacson-niresbakan-si-parlade/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-senador-stupid-daw-lacson-niresbakan-si-parlade)