Sa wakas ay nagkasundo na ang TNT Tropang Giga at ang kanilang fourth overall pick na si Mikey Williams.

Pumirma ng 2-year contract si Williams para maglaro sa TNT, ayon kay team manager Gabby Cui.

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa rin si Williams, ngunit inaayos na ng Tropang Giga ang pagpunta ng manlalaro sa Pilipinas.

Isa si Williams sa mga inaabangang rookie sa parating na 2021 PBA season.

Naglaro ito para sa dalawang koponan sa NBA G-League, matapos nito’y dinala ang talento sa ASEAN Basketball League.

Tinulungan din niya ang Mighty Sports na magkampeon sa Dubai International Basketball Championship noong 2020.

The post Mikey Williams kasado ng 2 taon sa TNT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mikey-williams-kasado-ng-2-taon-sa-tnt/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mikey-williams-kasado-ng-2-taon-sa-tnt)