Dapat umanong palawigin ang panahon para maipamahagi ang tulong pinansyal sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

“Sa nakikita ko, dapat bigyan ng extension ito because otherwise, ganyan ang nangyayari: nagkakakumpulan,” ani MMDA chairperson Benhur Abalos sa dzBB, Biyernes.

Napaulat na hindi nasusunod ang minimum health protocol sa mga pila para sa ayuda dahil target ng mga lokal na gobyerno na masagad ang bilang ng mga pwedeng bigyan kada araw.

Dalawang linggo ang binigay na panahon para mamigay ng cash aid (mula P1,000 hanggang P4,000 kada kabahayan) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

The post MMDA head gusto i-extend pamimigay ng ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-head-gusto-i-extend-pamimigay-ng-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mmda-head-gusto-i-extend-pamimigay-ng-ayuda)