Hindi na matutuloy ang planong summer film fest ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito’y dahil nananatili pa ring sarado ang mga sinehan dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa pahayag ng MMFF, pagtutuunan na lang ng pansin ng executive committee ang taunang yearend festival.

“The MMFF EXECOM is instead focusing on the yearend holiday festival and has set the deadlines this early so that interested producers and filmmakers may be guided accordingly, while observing proper health protocols,” saad ng MMFF.

Ang deadline naman para sa pagpapasa ng letter of intent para sa mga filmmaker na gustong sumali sa MMFF ay sa June 30, 5 PM.

September 30 naman ang deadline para sa pagpapasa ng mga required document tulad ng trailer, clipping at behind-the-scene footage.

October 15 iaanunsyo ng MMFF ang walong mapapabilang sa kanilang film fest.

The post MMFF summer film fest yuko sa pandemya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmff-summer-film-fest-yuko-sa-pandemya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mmff-summer-film-fest-yuko-sa-pandemya)