Inaasahang malapit nang lumapag sa bansa ang mga COVID-19 vaccine na gawa ng American drugmakers na Pfizer at Moderna.

Iyon ay kapag nag-stabilize na ang suplay, sabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Nakatakda aniyang makumpleto ng Amerika ang suplay nito ng bakuna para sa lahat ng mga residente nito sa Mayo 2021. Ibig sabihin, ang susunod na ipoprodyus na mga bakuna ay pang-export na.

“‘Yan ang inaasahan natin. Pero ayaw nila mag-commit 100% na ganun ang mangyayari,” ani Romualdez sa DZBB, Linggo.

Sinasabi rin daw ng Moderna at Pfizer na “we’ll be able to start delivering these doses to the Philippines not too far away from now.”

Una nang binanggit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nag-commit na ang US State Department sa maagang pagdating ng COVID-19 vaccines ng Pfizer, Moderna, o Johnson & Johnson sa ‘Pinas. Nangako aniya itong US na darating ang bakuna sa Mayo.

The post Moderna, Pfizer bakuna malapit na dumating – Romualdez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moderna-pfizer-bakuna-malapit-na-dumating-romualdez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=moderna-pfizer-bakuna-malapit-na-dumating-romualdez)