Nagpatama ang kolumnistang si Mon Tulfo sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mon, tila ‘manok na naputulan ng ulo’ ang pagresponde ng Pilipinas sa pandemya.

“Hindi maganda ‘yung pamamalakad ngayon,” saad ng nakatatandang Tulfo. “Parang ‘yung gobyerno, parang manok na napugutan ng ulo. Takbo lang nang takbo, walang direksyon.”

Kung bibigyan niya raw ng grado ang COVID-19 response ng gobyerno, “On a record of 1 to 10, 10 being the highest, number four.”

Ito’y ay sa kabila ng pagiging malapit ni Tulfo kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nabigyan pa ng posisyon bilang special envoy to China sa administrasyon.

Sinabi rin nito na dapat ipaalam ng Pangulo sa publiko kung mayroon itong karamdaman.

“Kailangan malaman ng taumbayan na nandoon ‘yung liderato. Otherwise, para tayong barko na rudderless, walang timon,” aniya pa.

The post Mon Tulfo dismayado sa COVID response: Gobyerno parang manok na pugot ulo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mon-tulfo-dismayado-sa-covid-response-gobyerno-parang-manok-na-pugot-ulo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mon-tulfo-dismayado-sa-covid-response-gobyerno-parang-manok-na-pugot-ulo)