Nabawasan umano ng 20,000 ang bilang ng mga biyahero sa North Luzon Expressway (NLEX) sa panahon ng Mahal na Araw at habang pinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ayon ito kay Philippine National Police spokesperson Ildebrandi Usana ngayong Linggo.

Dagdag niya, traffic ang pangunahing isyu sa unang 3 araw na isinailalim sa lockdown ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

“In fact, sa NLEX about 70,000 na mga motorista kasama na ang mga pampasaherong sasakyan, bumaba ito nang 20,000 na nagpapakita sa paggalang ng ating mga kababayan sa ECQ at sa Semana Santa,” ani Usana sa dzBB, Abril 4.

Dapat magtatapos ngayong araw ang ECQ sa NCR Plus pero dahil patuloy ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 ay magtatagal ito hanggang Abril 11.

The post Motorista sa NLEX habang ECQ umonti – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/motorista-sa-nlex-habang-ecq-umonti-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=motorista-sa-nlex-habang-ecq-umonti-pnp)