Hot topic sa Twitter Philippines ngayong Sabado ang naging panayam ni TV Patrol news anchor Alvin Elchico kay actress Angel Locsin kaugnay sa pagkamatay ng isang senior citizen sa naging birthday pantry nito sa Quezon City noong April 23.

“Kahit may nangyaring ganito, mayroon ka pa bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?” tanong ni Elchico sa aktres.

Humahagulgol itong sinagot ni Angel ng, “Wala na po. Hindi na po.”

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang paraan at tono ng pagtatanong ni Elchico habang may ibang nagtanggol sa news anchor at sinabing wala silang nakitang masama rito.

Agad namang humingi ng paumanhin si Elchico kay Locsin pati na sa mga fan nito at sinabing ganoon lang talaga siya magsalita at hindi niya layon na ma-offend ito o masaktan.

The post ‘Nadala ka na?’ Alvin Elchico binatikos sa interview kay Angel Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nadala-ka-na-alvin-elchico-binatikos-sa-interview-kay-angel-locsin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nadala-ka-na-alvin-elchico-binatikos-sa-interview-kay-angel-locsin)