Hindi na aarestuhin ng Philippine National Police (PNP) ang mga awtorisadong nagbebenta ng Ivermectin, isang anti-parasitic drug para sa mga hayop na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19.

Ayon ito kay House Deputy Speaker Bernadette Herrera,matapos na magkasundong pansamantalang isantabi muna ang pagpapatupad ng direktibang pag-aresto sa mga nagbebenta at gumagamit ng Ivermectin.

Sinabi ni Herrera, ang desisyon ay nabuo matapos ang kanyang teleconference kina Senator Christopher “Bong” Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Management Staff (PMS) chief Ferdinand Cui Jr., PNP chief General Debold Sinas at Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo Martes ng hapon.

Ayon sa kongresista, sa naturang teleconference, kanyang umanong naipaliwanag ang tungkol sa isyu ng Ivermectin, partikular kung bakit hindi dapat arestuhin ang mga authorized sellers at users nito.

“I was able to explain to the PMS head, as well as to the PNP chief that we should not arrest individuals who would want to purchase Ivermectin from authorized sellers because it is not an illegal drug in the first place,” ayon sa kongresista kasabay ng pagsasabing“Secretary Cui agreed and he promised that in the coming days, they will amend the memorandum,”

Ang naturang memo ay inisyu ng PMS na humihiling ng tulong sa Criminal Investigation and Detection Group ng PNP para makipag ugnayan sa FDA sa pagsagawa ng police operations laban sa nagbebenta at gumagamit ng

Ivermectin.

“We stressed that there is a human-grade Ivermectin medication and we should make it available and accessible to the public,” dagdag ni Herrera.

Kasama si Herrera ng ilang mambabatas, doktor at business groups sa nagtutulak para sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot kontra COVID-19.

The post Nagbebenta, gumagamit ng Ivermectin ‘di na aarestuhin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagbebenta-gumagamit-ng-ivermectin-di-na-aarestuhin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nagbebenta-gumagamit-ng-ivermectin-di-na-aarestuhin)