Tumataas ang bilang ng namamatay dahil sa coronavirus sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

“Tinitingnan natin ngayon ang trends ng deaths, makikita po natin that the number of deaths are increasing,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing ngayong Sabado.

Kahapon, Abril 9 naitala ang record-high 401 panibagong nasawi dahil sa COVID-19, na nagpalobo sa nationwide death toll sa 14,520.

“Ito po ‘yung continuous kasi na nagba-validate tayo ng deaths. Kaya po ‘yung iba dito nakukuha natin nu’ng last month pa or ng iba pa hong mga buwan dahil nga po ngayon lang naba-validate ‘yung deaths,” dagdag niya.

“Pero pag tiningnan natin, recent naman itong March and April and we can see really that the cases of death are increasing,” patuloy niya.

Karamihan aniya ng mga namatay na naitala noong Abril 9 ay sa Region 3 (46%), sumunod ang Region 4A (23%), Metro Manila (13%) at Region 7 (10%).

The post Namamatay sa COVID sa ‘Pinas tumataas – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/namamatay-sa-covid-sa-pinas-tumataas-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=namamatay-sa-covid-sa-pinas-tumataas-doh)