Humingi ng tawad si Ted Herbosa, executive vice president ng University of the Philippines, kasunod ng tweet nito kung saan tila sinisi nito ang community pantry sa pagkamatay ng isang senior citizen.

Sa Facebook post ni Herbosa, na special adviser din ng National Task Force Against COVID-19, sinabi nito na ‘ill-judged’ ang kanyang naging tweet.

“I sincerely apologize for my tweet earlier today, tagging as “death by community pantry” news of a senior citizen’s death at a community pantry of a celebrity. It may have sounded like a criticism but was ill-judged, when many are facing hardships & being helped by these kind hearted souls,” saad ni Herbosa.

Aniya pa, ang kanyang pinupuna ay hindi naipatupad ang minimum health standard sa community pantry na inilunsad ni Angel Locsin.

“What I had intended to say was I object to violations of public health standards, which increase transmission of COVID-19. I suggested ways to do community pantries without risk to senior citizens,” aniya pa.

Nilinaw din ni Hebrosa na walang kinalaman ang UP sa kanyang naging pahayag at sinabing naghain siya ng leave of absence sa unibersidad.

Umani ng kritisismo si Herbosa matapos nitong mag-tweet kung saan nagmukhang sinisi nito ang community pantry ng aktres sa pagkamatay ni Rolando dela Cruz, isang senior citizen na pumila para makakuha ng ayuda.

The post Natauhan sa ‘death by community pantry’ tweet: Ted Herbosa layas muna sa UP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/natauhan-sa-death-by-community-pantry-tweet-ted-herbosa-layas-muna-sa-up/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=natauhan-sa-death-by-community-pantry-tweet-ted-herbosa-layas-muna-sa-up)