Agad na pinasinungalingan ng mga medical frontliner ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na regular na isinasailalim sa COVID-19 testing ang mga healthcare worker sa mga ospital.

Kagabi, sinabi ni Duque kay Pang. Duterte na “iyong atin pong mga healthcare workers ay binabantayan po natin sila at ang mga ospital ay every two weeks ay tinetest po sila para nang sa ganoon ay malaman kung sila po ba ay positive.”

Sunud-sunod ang testimonya ng Twitter netizens na healthcare worker din, kung saan sinasabi nilang hindi ganoon ang kanilang karanasan.

Isa, dalawa o tatlong beses lang daw silang na-swab test simula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

May mga nagsabi ring tine-test lang sila kapag naging close contact na ng COVID-19 patient.

The post Nate-test kada 2 linggo? Duque sinungaling – mga health worker first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nate-test-kada-2-linggo-duque-sinungaling-mga-health-worker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nate-test-kada-2-linggo-duque-sinungaling-mga-health-worker)