Hindi alintana ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ang bansag sa kanyang “lugaw”.

Sa ika-56 kaarawan ni Robredo sa Abril 23 ay magkakasa ang mga tagasuporta niya ng “National Lugaw Day” feeding program.

Mamimigay ng lugaw sa iba’t ibang barangay nationwide ang 69 grupo ng mga Robredo supporter bilang regalo nila sa kaarawan ng Pangalawang Pangulo.

Sabi ni Jover Laurio, isa sa tagasuporta ni Robredo, ang #volunteersforleni ang nag-organisa sa gaganaping lugaw feeding program sa Biyernes.

“Dati sabi ko sana maka-56 Team kami sa community feeding. Kasi nga gift naming mga #volunteersforleni sa 56th birthday ni VP Leni Robredo sa April 23. But now we are 69 Teams! Ang daming Pilipino may mga mabubuting puso! Just like the community pantry, nagsusulputan din sila,” saad ni Laurio sa Facebook post, April 19.

The post ‘National Lugaw Day’ ikakasa sa 56th birthday ni Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/national-lugaw-day-ikakasa-sa-56th-birthday-ni-robredo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=national-lugaw-day-ikakasa-sa-56th-birthday-ni-robredo)