Mas gusto ng mga alkalde ng Navotas at Maynila na mamigay ng cash assistance at hindi in-kind na tulong sa mga residente na apektado ng lockdown.

“Definitely, cash po ang ibibigay ng City of Navotas. ‘Yan po ang napagdesisyunan namin,” banggit ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa dzBB, Linggo.

“Cash po ako, para may elbow room ang mga kababayan namin at may choices kung ano importanteng … kailangan [bilhin],” ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno.

Unang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na pwedeng mamili ang mga lokal na gobyerno sa NCR Plus sa porma ng ayuda na ibibigay sa mga residente nito, kung pera ba o in kind gaya ng pagkain.

The post Navotas, Manila gustong pera ang ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/navotas-manila-gustong-pera-ang-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=navotas-manila-gustong-pera-ang-ayuda)