Ang isang property ng Nayong Pilipino Foundation ay gagamitin ng gobyerno bilang COVID-19 vaccination center.

Ito ang unang malaking venue na gagamitin ng pamahalaan para mapabilis ang pagbabakuna sa mga Pinoy.

Sinabi rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pumirma ng kasunduan ang Department of Tourism at si vaccine czar Carlito Galvez Jr. para magamit bilang bakunahan ang nasabing lugar.

“Ang una pong gagamitin na malaking stadium o malaking place ay ang Nayong Pilipino,” ani Vergeire sa isang ulat, Miyerkoles.

Kahapon, sinabi ni Galvez na balak gamitin ng gobyerno ang mga stadium at coliseum bilang “mega” vaccination centers para maabot ang target na 4 milyong bakunadong Pinoy kada buwan.

The post Nayong Pilipino gagamitin sa pagbabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nayong-pilipino-gagamitin-sa-pagbabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nayong-pilipino-gagamitin-sa-pagbabakuna)