Ayon sa Department of Health (DOH), luluwagan ang quarantine restriction sa “NCR Plus” kapag bumaba na ang demand sa mga hospital bed at equipment, gaya ng mechanical ventilator.

“For healthcare utilization, we need to see that the utilization will be down to at least 60% before we can say that we are at that safe level,” ani DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa isang Palace briefing, Lunes.

“The health system should be able to manage and should be able to breathe and should have this decongestion before we can say that we can easily lift the restrictions for this community quarantine,” dagdag niya.

Sa ngayon aniya ay napaulat na nasa 78% hanggang 80% ang kabuuang healthcare demand sa National Capital Region (NCR).

Halos 100% nga aniya ang occupancy ng ICU beds sa karamihan sa mga lungsod sa Metro Manila.

Magugunitang dapat hanggang Abril 4 lang ang lockdown o ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus — NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — pero pinalawig pa ito ng isang linggo dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

The post NCR mag-MECQ ‘pag bumaba healthcare demand – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-mag-mecq-pag-bumaba-healthcare-demand-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-mag-mecq-pag-bumaba-healthcare-demand-doh)