Nilapag ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang kanilang plano na masimulan na ang mass vaccination sa Metro Manila pagsapit ng Hunyo.

“Sa pagpupulong namin, itong dadating na June na dadating ‘yung supply natin, ito po ang target natin, ang buong National Capital Region ay magkakaroon ng mass inoculation,” saad ni Olivarez, chairman din ng Metro Manila Council, sa panayam ng TeleRadyo.

Sa Parañaque, balak nilang makapagbakuna ng 5,400 residente kada araw, para maabot ang 900,000 vaccinated individual sa pagtatapos ng 2020.

Ayon kay Olivarez, nagiging tiwala na ang mga residente ng Metro Manila dahil sa unang pagpapaturok ng mga health expert at government official.

Buhat noong April 27, aabot na sa 1.8 milyong katao sa Pilipinas ang nabakunahan na kontra COVID-19, 13 percent dito ay ‘fully vaccinated’ na, ibig sabihin ay naturukan na ng ikalawang dose.

Sa nasabing bilang, bulto nito ay nagmula sa NCR na may 1.2 million residenteng naturukan na.

The post NCR mass vaccination target sa Hunyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-mass-vaccination-target-sa-hunyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-mass-vaccination-target-sa-hunyo)