Lahat ng mga alkalde sa National Capital Region ay sang-ayon na magpaturok ng COVID-19 vaccine para mahikayat ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna rin.

Ayon ito kay Metro Manila Council (MMC) chairperson ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez, Lunes.

“Kami pong lahat na 17 mayor ay pumapayag [magpabakuna] para mapakita din po namin ang confidence sa mga tao. Makikita po natin gumanda na ang kumpiyansa ng ating mga residente,” ani Olivarez sa ABS-CBN, Abril 5.

“Kung makikita po nila na ang mga mayor, gobernador ay magkakaroon ng vaccination, ‘yun pong kumpiyansa ay lalong lalaki,” dagdag niya.

Magugunitang itinuring na ng pambansang gobyerno ang mga alkalde at gobernador na frontliners para pwede na silang mabigyan ng bakuna. Ginawa ito ng pamahalaan matapos pagpaliwanagin ng madla ang ilang alkalde na inunahan ang mga healthcare worker sa bakuna.

Samantala, ayon sa MMC head ay nakatakda siyang bakunahan ngayong linggo.

The post NCR mayors pabor magpabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-mayors-pabor-magpabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-mayors-pabor-magpabakuna)