Pwede nang magpaturok ng COVID-19 vaccine maging ang mga alkalde sa Greater Manila area.

Sabi ni Metro Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos sa CNN PH, Linggo, pinapayagan nang magpabakuna ang mga local chief executive sa coronavirus high-risk areas tulad ng “NCR Plus,” o ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

“Only those mayors with critical cases like NCR Plus since they are also deemed to be frontliners,” banggit ng MMDA chair, Abril 4.

“No one can choose. [AstraZeneca is] only for seniors, while Sinovac would be for the rest. This goes for everybody,” dagdag niya.

Ginawa ng MMDA chair ang pahayag isang araw matapos palawigin ng pamahalaan ang lockdown sa NCR Plus dahil sa patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 doon.

Nitong Sabado, masayang ibinalita ni Manila Mayor Isko Moreno na nakatakda siyang turukan ng unang dose ng Sinovac vaccine ngayong araw, matapos aniyang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng IATF ang pagpapabakuna ng mga alkalde sa mga high risk city at municipality.

The post NCR Plus mayors pwede na magpabakuna – MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-plus-mayors-pwede-na-magpabakuna-mmda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-plus-mayors-pwede-na-magpabakuna-mmda)