Hindi pa pinapayagan ang pagbiyahe ng mga turistang manggagaling sa NCR Plus area mula sa mga lugar na maluwag na ang quarantine status.

Ito’y matapos na palawigin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

“As of now, bawal pa ‘yung travel from NCR Plus kasi MECQ pa tayo,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa TeleRadyo.

Paglilinaw naman ni Puyat, ang mga ibang tourist destination ay bukas, ngunit hindi nga lang para sa mga residente sa NCR Plus area.

“Ang Baguio, Bohol, Siargao, Boracay at Cebu ay tumatanggap pero hindi lang galing sa NCR Plus kasi dito mataas ang cases,” aniya pa.

Matatapos ang MECQ sa Metro Manila at ibang karatig-lugar sa May 14.

The post NCR Plus turista bawal pang magliwaliw – DOT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-plus-turista-bawal-pang-magliwaliw-dot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-plus-turista-bawal-pang-magliwaliw-dot)