Taliwas sa posisyon ng mga senador, hindi umano maakapekto sa local hog industry ang karagdagang pag-aangkat ng baboy, ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua.

“The temporary increase in pork will not kill the local hog industry as imports would potentially account for up to 22.8 percent of total consumption,” pahayag ni Chua sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa food security crisis.

Nauna nang tinutulan ng mga lokal na magbababoy gayundin ang ilang senador ang panukalang ng Department of Agriculture (DA) na dagdagan ang minimum access volume (MAV) para sa pork import sa 404,000 metric ton (MT) mula sa kasalukuyang 54,210 MT.

Subalit dinipensahan ang naturang rekomendasyon dahil may malaking kakulangan ng suplay ng karne ng baboy sa kasalukuyan.

BInanggit pa ni Chua ang Philippine Statistics Authority (PSA) Swine Situation Report nitong Pebrero 8 ng taong ito na nagpapakita na nabawasan ang swine inventory ng tatlong milyon o 24.1 porsiyento mula 2020 hanggang 2021.

“This significant drop is caused by the African swine fever outbreak which affected almost all regions of the country,” sabi ni Chua.

Sa pagtataya ng NEDA, magkakaroon ng pork supply deficit ng mahigit 477,000 MT para sa 2021.

“This is the difference between domestic production of carcass of around 1.2 million MT and the demand of 1.67 million MT based on a 15 kilograms per person per year consumption,” sabi ni Chua.

“On the other hand, total demand is estimated at 1.67 million MT in 2021,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Chua, ang malaking kakulangan ng suplay ng baboy ay nagresulta sa pagtaas ng presyo nito nitong Marso 2021.

“Philippine pork prices average P288 per kilo or 36 percent higher and reach as high as 327 per kilo in NCR (National Capital Region) or 59 percent higher,” ayon pa sa NEDA chief.

The post NEDA: Imported pork hindi papatay sa lokal na magbababoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/neda-imported-pork-hindi-papatay-sa-lokal-na-magbababoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=neda-imported-pork-hindi-papatay-sa-lokal-na-magbababoy)