Binunyag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles ang ilang kuwestiyonableng tao nakasama sa listahan ng mga bibigyan ng ayuda sa NCR Plus bubble dahil sa nangyaring enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Nograles, nakatanggap ang kanilang opisina ng mga report na ilang pangalan sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda ay patay na, o hindi kaya’y nagtatrabaho na abroad.

Hinalimbawa ni Nograles ang isang tao sa Pasay na nakasama pa sa listahan kahit nasawi na ito noong August 2020, may nalaman din ang kongresista na isang menor de edad at kasambahay na nakatira na sa Mindanao ang hindi natanggal bilang benipisyaryo.

“In that same barangay, a kasambahay who had already left for Mindanao was still listed, and, in contrast, another kasambahay who is still a resident in the area had been de-listed. It is easy to suspect and surmise, but it is the duty of the government to find out why and how did this happen,” lahad ni Nograles

Sa Cainta naman, isang OFW na nasa Qatar na ang nasa listahin din para sa ECQ ayuda.

Hinimok ni Nograles ang Department of Social Welfare and Development at Commission on Audit na imbestigahan ang naturang isyu.

“Kung may dagdag-bawas sa listahan, dapat lalong suriin yan. I hope DSWD can defend the listing because Technical Malversation and Malversation of Public Funds is a serious crime that must be reported,” aniya pa.

The post Nilantad ng kongresista: Patay, Pinoy abroad kasama sa benipisyaryo ng ECQ ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nilantad-ng-kongresista-patay-pinoy-abroad-kasama-sa-benipisyaryo-ng-ecq-ayuda1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nilantad-ng-kongresista-patay-pinoy-abroad-kasama-sa-benipisyaryo-ng-ecq-ayuda1)