Pumalag ang Malacañang sa banta ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa sinasabing red-tagging ng opisyal nito sa organizer ng community pantry sa Quezon City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi makatarungang tanggalin ang pondo dahil ito ay nakalaan sa mga proyekto sa mga lugar na mayroon pang mga natitirang rebelde.

Ginagamit aniya ang pondo ng NTF-ELCAC para sa livelihood projects ng mga rebeldeng nagbalik -loob sa gobyerno.

“Sa akin po hindi justified. Ang pagkakalaam ko yung pondo ng ELCAC ay para sa mga proyekto na magbibigay ng asenso at progreso sa mga lugar na mayroon pang mga rebelde.

Sinabi ng kalihim na hayaang gawin ng mga opisyal g ELCAC ang kanilang tungkulin.

Muling inulit ni Roque ang posisyon ng Malacañang na welcome sila sa mga hakbang na makakatulong sa mamamayan.

Dahil sa sinasabing red-tagging ni NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade kay Ana Patricia Non na siyang nagpasimuno sa community patry ay iminungkahi ng ilang senador na tanggalan ang ahensiya ng pondo at gamitin na lamang ito sa pagtugon sa COVID-19.

The post NTF-ELCAC aalisan pondo? ‘Di makatarungan – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ntf-elcac-aalisan-pondo-di-makatarungan-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ntf-elcac-aalisan-pondo-di-makatarungan-palasyo)