Nagbabala ang OCTA Research na posibleng sumampa sa isang milyon ang COVID-19 case sa bansa bago pa matapos ang Abril.

Ayon sa grupo, patuloy pa rin ang pagsirit ng bagong kaso na naitala sa 20 percent increase, kahit pa bumabagal ang hawaan sa Metro Manila dahil sa enhanced community quarantine.

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” pahayag ng OCTA Research.

Paliwanag ng OCTA, kailangan mapababa sa 1 ang reproduction rate ng COVID-19 sa NCR kaya kinakailangan ang extension ng ECQ.

Saad ng grupo, nakikita na ang pagbagal ng hawaan sa mga lugar ng Marikina, Paranaque, Navotas at Maynila, ngunit nananatiling paakyat ang trend ng COVID-19 sa Mandaluyong, San Juan at Las Pinas.

Nitong Linggo, naitala aktibong kaso sa 135,526, akyat naman sa 646,100 ang COVID-19 survivor habang 13,425 naman ang nasawi.

The post OCTA Research: Bago matapos Abril, COVID case lolobo sa 1 milyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-bago-matapos-abril-covid-case-lolobo-sa-1-milyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-research-bago-matapos-abril-covid-case-lolobo-sa-1-milyon)