Sigurado ang OCTA Research na aabutin ng isang milyon ang COVID-19 case sa Pilipinas bago pa matapos ang Abril.

“Tatamaan talaga natin yung 1 million total cases, unfortunately, before the end of the month,” saadi ni OCTA Research fellow Prof. Guido David sa TeleRadyo.

Aniya, base sa kanilang datos ay posibleng sa April 26 o 27 ay naabot na ng bansa ang isang milyong COVID-19 case.

Paglilinaw naman ni David, hindi ibig sabihin na mas lumala ang pagkalat ng COVID-19 dahil nasa milyon na ang kumpirmadong kaso.

Aniya, sa mga nakalipas na linggo ay nakikita nila ang pagbaba sa mga dumadagdag na kaso.

“In fact it is improving because, two weeks ago in NCR, we averaged more than 5,000 cases per day. Right now, our average is at 4,300 cases. So it is decreasing,” lahad pa niya.

Naging malaking tulong para sa pagbaba ng kaso ay ang pinatupad na dalawang linggo enhanced community quarantine (ECQ), saad ng propesor.

“Pero hindi ibig sabihin tapos na yung problema natin at pwede na tayong maging complacent at babalik na tayo sa dati, hindi pa,” aniya pa.

Sa tala ng Department of Health nitong Miyerkoles, umabot na sa 962,307 ang total na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

The post OCTA Research: COVID ngayong Abril papalo sa 1M case first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-covid-ngayong-abril-papalo-sa-1m-case/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-research-covid-ngayong-abril-papalo-sa-1m-case)