Para sa OCTA Research, hindi sapat ang isang linggo enhanced community quarantine (ECQ) para makontrol ang pagkalat ng virus sa NCR Plus area.

Kaya nirekumenda ng grupo na dagdagan pa ng isang linggo ang striktong lockdown sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

“This one week ECQ is certainly not enough. We are definitely not yet out of the woods, and we need an additional week and maybe more,” saad ni OCTA Research member Ranjit Rye,

Ang ECQ ay binalik sa NCR Plus area sa kahabaan ng Holy Week, inaasahang matapos ito sa April 4.

Sa Metro Manila, bahagyan nabawasan ang reproduction rate ng COVID-19, na naitala sa 1.65.

Ngunit sa kabuuang tala ng Department of Health, umabot na sa 153,809 ang aktibong kaso matapos madagdagan ng 15,310 ang natamaan ng COVID-19 nitong Biyernes.

The post OCTA Research hinirit 1 linggong ECQ extension first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-hinirit-1-linggong-ecq-extension/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-research-hinirit-1-linggong-ecq-extension)