Natukoy na ng Malacañang ang ospital na naniningil ng isang libong piso kada oras sa kanilang mga pasyenteng nasa hospital tent habang naghihintay na ma-admit.

Sinabi ni Prsidential Spokesman Harry Roque na nakarating na sa Palasyo ang paniningil ng hospital at iimbestiagahan na ito ng Department of Health (DOH).

Gayonman, hindj pinangalanan ng kalihim ang partikular na hospital at hintayin na lamang aniya ang magiging resulta ng imbestigasyon.

Binigyang-diin ng kalihim na bawal at illegal ang paniningil ng hospital habang hindi pa naa-admit ang pasyente kaya aasahan aniyang aaksiyonan ito ng gobyerno.

“Iimbestigahan yan ng DOH at alam na rin po natin kung anong hospital yan at wala pong legal na basehan yang ginagawa nila,” ani Roque.

Dahil umaapaw ang COVID patients sa mga hospital sa Metro Manila at mga lalawigang kasama sa NCR plus bubble ay nagtayo ng tent ang mga pagamutan para sa mga pasyenteng naghihintay na ma-admit subalit pumapatak ang metro ng mga ito ng isang libong piso kada oras. (Aileen Taliping)

The post Ospital na naniningil ng P1K kada oras sa tent, tukoy na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ospital-na-naniningil-ng-p1k-kada-oras-sa-tent-tukoy-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ospital-na-naniningil-ng-p1k-kada-oras-sa-tent-tukoy-na)