Kung wala ng kuwarto sa mga ospital, maaaring sa bahay na lamang umano gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay 1-Pacman Rep. Enrico Pineda ang mga doktor at nurse na lamang ang pumunta sa mga bahay ng mga pasyente para magamot ang mga ito.

“The number of new cases keeps hitting new all time highs. If a critically ill COVID patient is not able to find medical aid due to hospitals being full, then we should consider treating them in their own homes. Doctors and nurses can make rounds visiting patients in their homes, delivering the medicine they need to recover,” ani Pineda.

Dapat din umanong maghanda ng mga medical equipment na madaling dalhin at maaaring ipahiram sa mga pasyenteng nasa bahay.

Nanawagan din ni Pineda sa Department of Health na gayahin ang ginawa sa Panama kung saan pinadadalhan ng gobyerno ng wellness packages ang mga pasyenteng naka-home quarantine.

“In the package are vitamins and Ivermectin, which has been proven to reduce COVID in infected patients. Sending a package such as this is easy and even more cost effective,” ani Pineda.

Dapat din umanong palakasin ang telemedicine sa bansa upang mayroong mapagtanungan ang mga pasyente na nasa bahay.

“Home care is a possible solution that I think we should look into,” dagdag pa ng solon.

The post Ospital puno na! Mga doktor, nurse magbahay-bahay muna sa mga COVID patient – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ospital-puno-na-mga-doktor-nurse-magbahay-bahay-muna-sa-mga-covid-patient-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ospital-puno-na-mga-doktor-nurse-magbahay-bahay-muna-sa-mga-covid-patient-solon)