Ayon sa Department of the Interior and Local Government, nanganganib na patigilin ng gobyerno ang community pantry kapag lumabag ito sa COVID-19 health protocols.

Ang paglabag ay magiging sanhi kasi umano ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar.

“Unang-una, magkakaroon dapat ng masusi at closer coordination ang ating organizer at saka LGU (local government unit) sapagkat unang-una, dapat ma-implement ‘yung minimum health standard,” ani DILG Secretary Eduardo Año sa TeleRadyo, Martes.

“Kung may mag-violate dyan, ito ay ground para pa-stop natin ‘yung community pantry kasi ito ang pwedeng maging sanhi ng surge at tinatawag nating breakout.”

“Maganda itong idea na ito, na private individuals at private organizations ay tumutulong, pero kailangan talaga, team up tayo sa gobyerno pati na yung local government,” punto niya pa.

Mula nang itayo ni Ana Patricia Non ang Maginhawa Community Pantry, nagsulputan na ang mga community pantry sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Sa kasalukuyang tala ng Saan Yan PH, may 798 community pantries na sa Pilipinas.

The post ‘Pag nilabag protocol, community pantry posibleng ihinto – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-nilabag-protocol-community-pantry-posibleng-ihinto-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-nilabag-protocol-community-pantry-posibleng-ihinto-dilg)