Kinastigo ng mga senador sa minority bloc ang ang pag-red-tag sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon o SENADO, isang organisasyon ng mga kawani ng Senado.

Naglabas ng pahayag sina Minority Leader Franklin Drilon, Senador Risa Hontiveros, Leila de Lima, at Francis Pangilinan matapos ibahagi ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) director general Alex Monteagudo ang isang graphic sa kanyang Facebook account na inaakusahan ang SENADO bilang front ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

“We strongly condemn the red-tagging of the union of Senate employees and we vehemently denounce government officials who continue to label, brand, vilify, and harass individuals and organizations such as SENADO as state enemies and subversives,” ayon sa mga senador.

“We have been in the Senate long enough and we can attest that the SENADO union never acted as the ‘eyes and ears of the CPP-NPA-NDF in the Senate to hijack plans and programs of the government.’ These are dangerous allegations to make,” dagdag nito.

Sabi ng mga minority senator, ang pag-red-tag sa unyon ay hindi pag-atake sa mga empleyado kundi sa buong institusyon mismo ng Senado.

Binigyang diin ng mga senador na ang SENADO ay isang lehitimong samahan ng mga kawani ng Senado kung saan nagkaroon ng tatlong Collective Negotiations Agreement (CNA) sa mga nagdaang pangulo ng Senado, dalawa dito ay kay Drilon.

“Like COVID-19, we must prevent red-tagging from further spreading. Thus, we find it unfortunate and utterly deplorable that there are officials who resort to red-tagging,” ayon sa mga senador.

Kasabay nito, nanawagan ang mga minority senator na agad na ipasa ang Senate Bill 2121, na inihain ni Drilon para gawing krimen ang red-tagging.

“The lack of general condemnation and a law which penalizes red-tagging as a crime embolden these government officials and only normalize this prevailing culture of red-tagging,” sabi ng minority senators.

“We believe that the passage of this bill will serve as a deterrent against red-tagging. We should punish irresponsible officials who act as enablers of red-tagging,” saad pa ng mga ito.

Nauana nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na “misinformed” si Monteagudo. “I would be the first to sense of such, if ever. I’ve been there since 1992.”

The post Pag-red-tag sa Senate employees’ union kinondena ng minority senators first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-red-tag-sa-senate-employees-union-kinondena-ng-minority-senators/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-red-tag-sa-senate-employees-union-kinondena-ng-minority-senators)